
MAHIGPIT na pinapaboran pa ring makadalawang sunod na panalo ang paboritong si Arvin Dugo sa ikalawang yugto ng 2010 Philracom Juvenile Colts Stake Series na gaganapin mamayang hapon sa Santa Ana Park.
Muling papatnubayan ng batikang hineteng si Fernando Raquel Jr. ang 2-year-old bay colt ng baguhang stallion si Quaker Ridge kay Repriced para sa may-aring si Ralph Javier sa pakarerang ito ng Philippine Racing Commission na pinamumunuan ni Chairman Jose Ferdinand Rojas II.
Ang iba pang mga kalahok dito’y kinabibilangan nina: Perfect Pyjama - Pati Dilema ni Willaim Tan; Bosbarawana – Val Dilema ng SC Stockfarm Inc.; Cheese Quemas – Jonathan Hernandez ni Tony de Ubago; at Naugh Naugh – Jesse Guce ni Nap Magno.
Dalawa dito sa mga kalahok ay nauna nang tinalo ni Arvin
Dugo sa unang yugto ng serye para sa mga 2-year-olds na meron ding
kabuuang papremyong P500,000.
Ito’y ang de-banderang si Cheese Quemas (Fort Dignity-Sounos), na nasegundo noong unang leg, at si Perfect Pyjama (Perfect Cut- Pyjama Kitten) na kulelat namang dumating sa limang naglabang kabayo sa distansyang 1,200 meters.
Mas lalong papabor kay Arvin Dugo, na nanalong malayo sa unang yugto, ang medyo humaba pang distansya kahit na may pumasok na dalawang baguhang 2-year-olds na sina Bosbarawana (Quaker Ridge-Barawana) at Naugh Naugh (Rum Tum Tiger- Velocity).
Ang pangunang premyo rito’y P300,000 habang ang sesegundo’y tatanggap naman ng P112,500, tersero’y P62,500, at pang-apat ay P25,000.
Samantala, kasalukuyan namang idinaraos ang ikalawang leg ng 2010 Philracom Juvenile Fillies Stakes habang isinusulat ito kahapon ng hapon.
May limang kalahok ang P500,000 na pakarera ring ito ng Philracom na paglalabanan sa parehong distansyang 1,300 meters at ito’y kinabilangan nina Restless Heart ni Eric Tagle, Gandang Pinay at Mean To Blush ni William Tan, Pot Pot’s Love at Antoine D’Ugo ni Sito Esquivias IV.
Samantala, gaganapin din mamayang hapon ang PCSO Special
Maiden Race na may pitong kalahok na magrarambulan sa nakatayang
P480,000 habang idaraos din ang ikaapat na NPJAI-Philracom Cup na
nilahukan ng walong local at imported runners at paglalabanan sa
mahabang distansyang 1,600 meters.
Ang mga bagitong kalahok sa PCSO Maiden Race, na paglalabanan sa 1,200 meters ay sina: Sugar Glaze – Jem Tinte; Tabelle – Jesse Guce; Gogosnakegosnakego – Louie Lunar; Prince Isiah – Fernando Raquel Jr.; Lexibonn – John Paolo Guce; Mr. Universe – Lord Santos; at Quantum Lady – Cris Garganta.
Paborito para sa pangunang premyong P300,000 si Lexibonn (Quaker Ridge-Maria Makiling) ni Rita Bustamante at inaasahang manggagaling ang matinding oposisyon mula kay Mr. Universe (Strong Material-K Mister Vee), Prince Isiah (Golden Missile-Emily Spinach) at Sugar Glaze (Oratory-Estern Connection).
Dark horses dito sina Tabelle (Account Of Grace-Deal Harbor), Gogosnakegosnakego (Ecstatic-Blue Lace Dress), at Quantum Lady (Perfect Cut-Spectrometer).









